^

Punto Mo

Sampaguita (155)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

PERO bago naibaba ang kahuli-hulihang saplot, may narinig silang ungol sa labas ng kubo.

“Ano ‘yun?” Tanong ni Levi at lumingon sa pinanggalingan ng ungol.

Nagkaroon naman ng pag-asa si Sampaguita. Kapag ti­ningnan ni Levi kung ano ang mga ungol na ‘yun, bigla niyang dadamputin ang bag na kinaroroonan ng kanyang mutya.

Patuloy ang ungol sa labas.

“Buwisit! Ano bang ungol yun!”

Mabilis na dumungaw si Levi sa bintana para tingnan ang umuungol. Iyon ang hinihintay ni Sam. Mabilis niyang nadampot ang bag na nasa sahig at nakuha roon ang mga mutya. Naisubo agad niya sa bibig.

“Aha ang mga aso ko pala ang nasa labas ng kubo, ha-ha-ha! Nagsisikmatan na ang mga ito. Naaamoy marahil ang kanilang lalapain, ha-ha-ha!”

Pagkaraa’y nagbalik kay Sam.

“Gusto mong makita ang aking mga alagang aso. Halika!’’

Hinila ni Levi si Sam patungo sa bintana.

“Hayan tingnan mo ang aking mga aso! Gutom na gutom ang mga ‘yan. Isang kumpas ko lang sa mga ‘yan at lalapain ang sinuman.’’

Nakita ni Sam ang dalawang aso --- mga asong panghunting, Mabalasik ang mukha. Nakalabas ang mga pangil. Handang pumatay kapag iniutos ng amo.

Pero hindi natatakot si Sam. Nasa kanyang bibig na ang mga mutya at malakas ang paniwala niya, kaya niyang paamuin ang dalawang mabagsik na aso.

“Ano Sam? Siguro naman, susunod ka sa bawat sabihin ko. Kung hindi ka susunod, papapasukin ko rito ang mga aso at tapos ang beauty mo. Susunod ka sa akin maliwanag!’’

Umiling si Sam. Sunod-sunod sa pag-iling. Hindi siya nagsasalita sapagkat nasa bibig niya ang mga mutya.

Nagalit si Levi.

Niyakap at pinaghahalikan si Sam. Nagpipiglas si Sam. Lumaban siya. Nagkalabugan sa loob. Hanggang sa maalarma ang dalawang aso sa kaguluhan. Sumugod ang mga ito sa loob ng kubo!

Patuloy ang pagpiglas ni Sam. Hindi niya hahayaan si Levi na sirain ang kanyang pagkababae!

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANO

ANO SAM

ASO

BUWISIT

GUTOM

MABILIS

MGA

PATULOY

SAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with