^

Punto Mo

Sampaguita (131)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NATIGILAN si Viring at nag-isip kung tama bang sabihin na niya kay Sir Manuel ang nangyayari kay Sam at Levi. Sasabihin niya sa matanda na nahuhulog na ang loob ni Sam kay Levi at tila wala nang balak isagawa ang paghihiganti. Sasabihin niyang nagsimula iyon nang may mga taong nagtangkang pumasok sa bahay para magnakaw at si Levi ang sumaklolo. Sasabihin din niyang wala si Ram sa bahay dahil may nangyari sa ina nito.

Ilang beses pang nag-isip si Viring kung tatawagan ang matanda. Mayroon siyang number ni Sir Manuel at madali niyang matatawagan ang mabait na matanda.

Hanggang maisip niya na baka magalit sa kanya si Senyorita Sam kapag nagsumbong siya kay Sir Manuel. Baka palayasin siya nito. Kung magkakaganoon, babalik siya sa bahay ni Sir Manuel. Doon naman talaga siya naglilingkod at kaya lamang siya napunta rito ay dahil nga sa planong paghihiganti kay Levi.

Naguguluhan si Viring.

Maya-maya, sumilip siya sa bintana at sinilip kung ano ang ginagawa ng dalawa. Shock siya sa nakita. Naghahalikan sina Sam at Levi sa gilid ng swimming pool.

Iyon ang nagtulak kay Viring para tawagan si Sir Manuel.

“Magandang hapon po, Sir Manuel, mayroon lang po akong sasabihing mahalaga.’’

“Ano yun Viring?’’

Sinabi ni Viring. Wala siyang inilihim sa lahat nang nakikita at naoobserbahan kay Sam at Levi.

“Mukha pong umiibig na si Sam kay Levi. Ngayon nga po ay nakita ko silang naghahalikan sa may swimming pool.’’

Kalmado si Sir Manuel nang magsalita.

“Inaasahan ko na ang ganito, Viring. Sabi ko, maaaring mahulog ang loob ni Sam sa lalaking iyon. At ngayon nga ay nangyayari na…”

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ANG

KAY

LEVI

MANUEL

SAM

SASABIHIN

SENYORITA SAM

SIR

SIR MANUEL

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with