^

Punto Mo

Weird Sleeping Habits ng mga Sikat

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Eminem

Mahirap makatulog kapag may nasisilip na ilaw. Upang maging madilim na madilim ang kuwarto, binabalot niya ng tin foil ang bintana ng kanyang bedroom.

Tom Cruise

Noong nagsasama pa sila ni Katie Holmes, hindi ito makatulog dahil malakas humilik si Tom. Para masolusyunan, nagpagawa sila ng sound-proof bedroom. Sa sound-proof bedroom natutulog si Tom at sa kabilang bedroom si Katie.

Mariah Carey

May 20 humidifiers siya sa kanyang bedroom. Ang effect ay parang natutulog siya sa “steam” room. ’Yun bang ang hangin ay mamasa-masa. Bukod sa nakakahimbing ng tulog, pampaganda raw ng skin at para hindi manuyo ang lalamunan. Siyempre, singer. Dapat ay in good condition lagi ang lalamunan.

Lady Gaga

Nagpagawa siya ng bed na korteng itlog. Nakakadama raw siya ng kapayapaan sa loob ng egg bed.

Winston Churchill

Hatinggabi na siya matulog kaya tuwing sasapit ang 5 pm, umiidlip siya ng dalawang oras. Pero bago umidlip, umiinom muna ng pinaghalong whisky at soda.

Stephen King

Bago humiga sa bed, naghuhugas muna siya ng kamay. Bakit? hindi raw niya alam. Tapos yung open side ng kanyang punda ng unan ay dapat na nakaturo sa left side. At hindi rin niya alam kung bakit. Basta, ganoon lang ang kanyang ginagawa para makatulog nang mahimbing.              (Itutuloy)

vuukle comment

BAKIT

KATIE HOLMES

LADY GAGA

MARIAH CAREY

SIYA

STEPHEN KING

TOM CRUISE

WINSTON CHURCHILL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with