^

Punto Mo

Bakit ayaw nang tumigas ng ari?

DOCTOR’S TOUCH - Dr. Luis Gatmaitan M.D - Pang-masa

“Ako po ay 35 yrs. old at kasalukuyang nasa Saudi.  Mayroon po akong nobya at noong una po ay ako ang agresibo sa pakikipagtalik. Ngunit nitong mga nakaraang buwan, mga 4 na buwan na po, ay napansin kong ayaw pong tumigas ng aking ari.  Nahihiya po ako sa aking nobya at dahil dito ay natatakot po akong hiwalayan niya. Ayaw ko pong magpacheck-up sa kadahilanang baka kung matuklasan nilang ako ay may sakit ay pauwiin ako.  Ano po ba ang aking dapat gawin?  Anu-ano po bang mga gamot ang meron dito sa Saudi na maaari kong inumin?” — Jaime del Rosario, Al-Khobar, KSA

Impotency ang terminong ginagamit natin sa kondisyong dinaranas ng isang lalaki na ayaw na siyang tayuan ng kanyang ari. Pero hindi mo nabanggit kung ikaw ay tinatayuan pa rin ng ari kapag madaling-araw. Ang isang malusog na lalaki ay kadalasang matigas ang ari (nagkaka-erection) kapag madaling-araw na. Ang deskripsyon nga ng iba, nagpa-flag ceremony kapag ganoong oras.

Kung ang kakayahang tumigas ng ari mo kapag madaling-araw ay nandiyan pa rin, karaniwang “psychological” ang sanhi ng iyong impotency. Karamihan sa kaso ng impotency ay sa kategoryang “psychological” nabibilang. Maaaring may mga problema ka o alalahaning hindi maipahayag. Maaaring may naranasan kang trauma o na-bully ka at pansamantalang nawala ang kakayahang tumigas ng iyong ari. Dapat mong obserbahan kung magtutuluy-tuloy ang kondisyon mo. 

Siyempre, ang impotency ay maaari ring epekto ng sakit na diabetes, problema sa nervous system at urological system ng isang lalaki. Pero mas kakaunti ang porsyento ng kalalakihang dumaranas nito. 

Bata ka pa sa edad na 35 upang masabing may malubha kang kaso ng impotency. Mas sikolohikal ang dahilan ng iyong pagkawala ng kakayahang tumayo ang ari. Matutuhan mo sanang mag-relax. Ang matinding stress at pag-aalala ay iwasan.

Sa mga kalalakihang nagkakaedad na, ang paggamit ng ilang device o tableta ay makatutulong upang mapatigas muli ang ari sa panahon ng napipintong pakikipagtalik. Matapos masuri ang kalagayan nito sa puso at makitang maayos, puwedeng uminom ng tabletang Viagra.

Obserbahan mo ring maigi ang sarili mo. Mukhang pansamantala lamang ang dinaranas mong impotency. Hindi ko alam kung ano ang mga gamot na available diyan sa Saudi para sa impotency. Huwag matakot magpaeksamin sa mga urologists, ang mga doktor na dalubhasa sa ganyang kondisyon.

AL-KHOBAR

ANO

ANU

ARI

AYAW

IMPOTENCY

MAAARING

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with