^

Punto Mo

Ang Crush niyang Babae

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

“BUNTIS ako!” umiiyak na ipinagtapat sa akin ni Mercy. Siya ang katulong noon sa bahay ng aking tiya na tinuluyan ko nang ako’y nasa unang taon sa college. Magkakasama kami ng aking mga pinsan, tiyuhin at tiyahin na mga single pa ng panahong iyon, sa iisang inuupahang bahay sa Parañaque. Bale kaming lahat ang  pinagsisilbihan ni Mercy.

Pag-uwi ko sa probinsiya, naikuwento ko sa aking pamilya na buntis si Mercy. Ang alam namin ay wala siyang boyfriend. Nag-aaral ito sa gabi. Noon lang niya nasabi sa amin na may boyfriend siya. Nakikipagkita lang ito sa kanya kung gabi pag­labas niya sa school.

Naalaala ko ang comment ng aking ama, “Noong nakita ko si Mercy, ang sabi ko’y safe na safe ito sa mga manyak kahit pa gabihin ito sa daan, aba akalain mo, may nagkamali pa rin!”

Napatawa ako. Ang hitsura kasi ni Mercy ay nanay lang niya ang makakapagsabing – Ang ganda ng anak ko! – nang walang pagkukunwari. Kung may maganda man sa kanya, na makikita ng ibang tao,  iyon ay ang kanyang ugali.

Naalaala ko si Mercy matapos kong basahin ang balita tungkol sa rape na hindi natuloy sa Beijing, China. Doon pala, usong-uso ang paupahang bahay sa ilalim ng tulay. Dito nangyari ang rape na hindi natuloy.

May isang lalaking bagong salta sa “underground community”. Mahaba ang ilalim ng tulay kaya naging isa na itong komunidad. Napansin ng lalaki ang isang babaeng nakatira sa katabing kuwarto. Balingkinitan ang katawan, makinis ang legs at mahaba ang buhok. Ganoon ang type niya sa babae. Isang gabi ay natanawan niyang dumating ang babae at tuloy-tuloy sa kanyang inuupahang silid. Gusto sana niyang makipagkilala pero hindi na ito lumabas ng kuwarto. Medyo tinablan siya ng alak na nainom niya. May demonyong bumubulong sa kanya. Kaya nang wala nang tao sa paligid, bitbit ang kutsilyo at kahoy na mahaba, lakas loob niyang binuksan ang pintuan at pinasok ang babaeng natutulog na. Nagising ang babae na gulat na gulat. Noon lang niya nakita nang malapitan ang babae. Nagkatitigan sila. Mata sa mata. Mukha sa mukha. Ang kargada ng lalaki na tila anaconda kanina ay biglang nanlambot at naging bulate na lang. Humihiyaw ang isip ng lalaki – Ang panget! Hindi ko masisikmurang reypin ang babaeng ito! May kadiliman sa paligid ng underground kaya laging pahapyaw lang ang nakikita niyang mukha ng babae. Katawan lang ang malinaw niyang napipigurahan.

Nakulong pa rin ang lalaki at nasentensiyahan. Kahit hindi natuloy ang rape, na tinawag na “interrupted crime”, iyon ay maituturing pa rin krimen dahil may intensiyon siyang pumatay, na pinatunayan ng bitbit niyang kutsilyo at mahabang kahoy.

vuukle comment

BALINGKINITAN

BEIJING

DITO

GANOON

HUMIHIYAW

ISANG

LANG

NAALAALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with