^

Punto Mo

Biyenang babae, nag-offerng $5,000 para patayin ang manugang

- Arnel Medina - Pang-masa

MARAMI raw biyenang babae at manugang na babae ang hindi magkasundo. Bihira raw yung closed sa isa’t ang magbi-yenan. At totoo ito sa kaso ni Diana Reaves Costarakis at kanyang manugang na si Angela Costarakis ng Florida. Sa sobrang galit ni Diana kay Angela, binalak niya itong ipapatay noong nakaraan taon (2013). Ang dahilan, lasengga raw si Angela at may balak na iwan ang asawa at isasama nito ang anak na babae. Pero itinanggi naman ito ni Angela.

Ayon sa Florida police, kumuha ng undercover agent si Diana para siyang pumatay kay Angela. Inoperan niya ng $5,000. Sabi pa umano ni Diana sa agent, kapag hindi nito ginawa ay siya ang papatay kay Angela.

Bago pa ang pag-ooffer ni Diana sa agent, kinausap na rin nito ang isang security officer sa Home Depot at inoperan ng $1,500 para patayin si Angela. Kapag napatay na raw ay kunin nito ang alahas sa katawan at kanya na lahat.

Nang malaman ni Angela ang lahat ay shock siya sapagkat wala siyang ideya na may balak ang kanyang biyenan sa kanya. Tatlong linggo raw bago ang insidente, niyakap pa siya ng biyenan at sinabi, “Natutuwa ako at magkaibigan tayo.”

Kinasuhan si Diana dahil sa balak na pagpatay at nga-yon ay nakakulong na.

 â€“www.oddee.com--

vuukle comment

ANGELA

ANGELA COSTARAKIS

AYON

BIHIRA

DIANA

DIANA REAVES COSTARAKIS

HOME DEPOT

INOPERAN

KAPAG

KINASUHAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with