^

Punto Mo

Babaho ang Maynila!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

FLASH report! Magbubukas sa Martes ang racehorse bookies joints ni Apeng Sy sa Maynila. Matapos talikuran ang obligasyon niya noong Christmas, naisipan ni Sy na bumalik sa dating gawi. Malaki rin ang naging savings ni Apeng Sy dahil hindi siya napamaskuhan ng mga taga-GAB, NBI, at mga operating units ng PNP. Sa pagkaalam ko, ang anak na si Ferdinand “Ferdie” Sy ang tatayong financier ng bookies ni Apeng. Siyempre, kapag lumutang si Ferdie, hindi nalalayo sa poder niya ang kumpareng si SPO4 Roberto “Obet” Chua. Akala ko ba ay ayaw ni Manila Mayor Erap Estrada ng pasugalan?

• • • • • •

Magiging hamon sa liderato ni Erap ang nagkalat na basura sa siyudad n’ya. Natapos na ang kontrata ng Leonel Haulers na humahakot ng basura sa Maynila noong Disyembre 31 kaya maraming basura na dulot ng selebrasyon ng New Year ay hindi pa nahahakot hanggang ngayon. Dati-rati kasi, pumapasok ang mga trak ng Leonel sa mga kalye para kolektahin ang mga basura subalit ngayon ay hindi na. Ang ginagawa ng mga residente ay binubuhat ang mga basura nila at tinatambak sa isang kanto kung saan dinadaanan ng mga trak at hinahakot. Kaya lang, hindi masisiguro kung kailan dadaanan ng trak na pumalit sa Leonel ang basura. Lumalabas kasi na kokonti ang trak ng pumalit sa Leonel kaya hindi nila kayang hakutin ang mga basura sa Maynila. Pag nagkataon, ang Maynila ay babaho sa ilalim ng liderato ni Erap. Hehehe!

Mukhang may hangover pa si Erap at hindi niya napaghandaan ang pag-alis ng Leonel. Bago siya maupo noong Hunyo, inabisuhan na itong management ng Leonel na hindi na ii-extend ang kontrata nila. Kaya sa naganap na bidding, tatlong kompanya lang ang sumali at lahat sa kanila ay pag-aari ng pamilya ni Erap, anang mga kosa ko. Totoo ba ito Ma’m Laarni Enriquez at Mr. Jude Estrada? Kaya ang Leonel ay lumipat na lang sa Parañaque, tangay ang mga trak nila. Kung noong Hunyo pa hinahangad ng pamilya ni Erap na mapasakamay nila ang pagkakitaan sa basura bakit parang hindi sila preparado sa pag-alis ng Leonel? Kokonti lang pala ang trak nila at bakit sila nanalo sa bidding? Dapat busisiin ng Commission on Audit (COA) ang bidding process at baka may anomalya rito, di ba mga kosa? Hehehe! Kanya-kanyang raket lang ‘yan!

Totoo talaga ang kasabihan na may pera sa basura. Hindi naman kaila sa taga-Manilenyo na kaya nag-away si Erap at dating Mayor Alfredo Lim ay dahil sa basura. Ang ugong sa Maynila, nais ni Erap na maglagay ng trak ang anak na si Jude sa Leonel para maghakot ng basura subalit naekisan ito ni Lim. Kaya tumakbo si Erap at nasipa si Lim sa puwesto.

At sa pag-upo ni Erap bilang mayor ng Maynila, halos lahat ng negosyo, legal man o ilegal, ay maririnig na sinasambit ang mga pangalan ng miyembro ng pamilya n’ya. Imbes na “Ibangon ang Maynila’ na battlecry niya noong nakaraang election, eh mukhang nababaon lalo sa utang ang Maynila. Get’s n’yo mga kosa? At higit sa lahat, hindi “Erap para sa Mahirap” na slogan niya ang nangyayari sa ilalim ng liderato ni Erap, kundi “Ang mahihirap lalong naghihirap.” Makaahon pa kaya ang Maynila sa liderato ni Erap? A ewan! Abangan!

vuukle comment

APENG SY

BASURA

ERAP

FERDIE

KAYA

LEONEL

MAYNILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with