^

Punto Mo

Babae, ipinapasyal ang alagang aso, sinalakay ng 6 na pusang gala, sugatan!

- Arnel Medina - Pang-masa

REGULAR na ipinapasyal ng isang babae sa France ang kanyang alagang aso sa isang parke sa Belfort City, malapit sa Swiss border. Araw-araw ay ganoon ang kanyang ginagawa at wala namang masamang nangyayari sa kanya habang ipinapasyal ang alaga.

Pero nang umagang iyon ay lubhang kakaiba ang nangyari sa babae. Parang bangungot. Hindi niya inaasahan. Tahimik silang naglalakad ng kanyang alaga nang biglang sumulpot ang anim na pusang gala at sinalakay ang babae. Mababangis ang anim na pusa. Sumisingasing habang pinagtutulungan siya, Pinagkakalmot siya sa braso at mukha at kinagat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nang mabuwal, lalo pa siyang pinagtulungang kalmutin at kagatin ng mga pusa. Tumigil lamang ang mga pusa nang may mga taong dumating. Nagtakbuhan papalayo ang mga pusa.

Umaagos ang dugo sa buong katawan ng babae. May mga ugat na tinamaan ng kalmot kaya walang tigil sa pag-agos ang dugo.

Agad siyang dinala sa ospital. Ginamot ang kanyang mga sugat. Ininiksiyunan siya para sa anti-rabies. Ayon sa mga doctor masyadong na-trauma ang babae sa nangyari. Hindi niya maisip kung bakit siya sinalakay ng mga pusa.

Mahigpit na nagbabala ang mga pulis sa mga namamasyal sa parke na iwasan o huwag makipag-contact sa mga pusang gala sa parke at huwag na huwag pakakainin ang mga ito.

Hindi naman nasabi sa report kung ano  ang nangyari sa alagang aso ng babae. Hindi nabatid kung kinagat o kinalmot din ito ng mga pusa. May mga aso na mortal na kaaway ng mga pusa. (unexplained.mysteries.com)

 

vuukle comment

ARAW

AYON

BABAE

BELFORT CITY

GINAMOT

ININIKSIYUNAN

MABABANGIS

MAHIGPIT

PUSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with