^

Punto Mo

EDITORYAL - Madalian ang alam na paraan

Pang-masa

NASA kontrobersiya na naman ang Philippine National Police (PNP) makaraang mapatay ang dalawang lider ng notorious na Ozamis robbery group, apat na araw makaraan silang mahuli sa Dasmariñas City, Cavite noong Biyernes. Tumakas sina Cadavero sa National Bilibid Prison noong Disyembre 2012 makaraang i-rescue ng mga lalaki. Pabalik na umano sa Calamba, Laguna ang anim na pulis na nag-escort kina Cadavero makaraang i-inquest sa Dasmarinas pero pagsapit sa San Pedro, Laguna, balak daw i-rescue ng mga naka-motorsiklong lalaki ang dalawa kaya nagkaroon ng barilan. Nagkaroon daw ng pagkakataon ang dalawa na mang-agaw ng baril ang dalawa sa escort na pulis. Nakipagbuno umano ang mga ito hanggang sa tamaan sila. Isinugod pa umano sa ospital ang mga ito pero patay na nang idating.

Parang sa pelikula ang pangyayari. Ganito ang style ng Ozamis gang kapag may ire-rescue na kasamahan. Ang Ozamis din ang nasa likod ng pag-rescue sa tatlong Chinese drug traffickers habang patungo sa court hearing noong nakaraang Marso. Umano’y binayaran ang Ozamis ng P50-milyon para i-rescue ang drug traffickers.

Ang Ozamis din ang nasa likod ng mga nakawan sa Metro Manila particular ang pagnanakaw sa mga money changer at tindahan ng mga alahas.

Hindi naman naniniwala si Justice secretary Leila de Lima sa pagkakapatay sa dalawang Ozamis leader. Bakit daw kung saan-saan pa dinala ang dalawa at hindi agad dinala sa NBP? Kailangan daw magpaliwanag ang PNP sa nangyari.
Sabi naman ni Roxas, iimbestigahan ang pagkakapatay sa dalawa. Marami raw dapat ipaliwanag ang PNP.

Kahapon, sinibak na ang Calabarzon police chief at ang 14 na pulis kaugnay sa pagkakapatay kina Cadavero.

Nagsasawa na ba ang mga pulis sa hindi mapigil na gawain ng Ozamis group kaya minabuti pang patahimikin na? Nagsasawa na rin ba sila sa mabagal na usad ng hustisya sa bansa kaya sila  na ang gumawa ng paraan para mailapat ang hustisya? Nanghihinayang ba sila sa pagod na ginawa na pagkaraan ay makakapag-bail lang ang mga suspect?

Maaaring oo ang sagot. Pero hindi naman ito dahilan para ilagay sa kamay ang batas. Dapat pa ring manaig ang hustisya sa tamang paraan. Dapat nasa proseso at hindi sa “short cut” o madaliang paraan.

vuukle comment

ANG OZAMIS

CADAVERO

DAPAT

METRO MANILA

NAGSASAWA

NATIONAL BILIBID PRISON

OZAMIS

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SAN PEDRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with