^

Punto Mo

Malagim na honeymoon ng mag-asawa; lalaki, sinagpang ng pating!

- Arnel Medina - Pang-masa

HINDI makakalimutan ni Gemma Redmond, 27, ang pangyayaring iyon sa buong buhay niya. Nangyari iyon, 10 araw makalipas silang ikasal ni Ian Redmond, 30. Hindi niya akalain na ganoon kaikli ang magiging pagsasama nila ni Ian. Maagang nawala sa kanya ang pinakamamahal na asawa. Ang may kagagawan ng maagang kamatayan ni Ian, isang mabangis na pating.

Ayon kay Gemma, pinili nila ang Seychelles para pagdausan ng kanilang honeymoon sapagkat may magandang beaches ang lugar at safe na safe umano ang mga tourist. Maraming nagbabakasyon sa Seychelles.

Tandang-tanda ni Gemma nang araw na mangyari ang malagim na insidente. Nagsa-sunbathed siya sa beach, samantalang si Ian ay lumalangoy (snorkeling) sa dagat na ang layo ay 20 yards. Malapit na malapit lang kaya tanaw na tanaw ni Gemma ang asawa habang lumalangoy.

Hanggang sa makarinig siya ng sigaw na humihingi ng saklolo. Akala niya ay nag-sneeze lamang si Ian. Iyon pala ay sinagpang na ito ng isang pating. Halos maputol ang braso at ang binti nito. Humalo ang dugo sa dagat.

Nagsisigaw si Gemma kaya agarang tumulong ang mga taong nasa lugar ng insidente. Nakuha si Ian at isinakay sa isang boat at nadala sa dalampasigan. Nag-iiyak si Gemma nang makita ang kaawa-awang kalagayan ng asawa. Isang doctor ng beach ang dumating at ni-revive si Ian. Subalit hindi na ito nailigtas sa kamatayan. Grabeng sugat ang natamo niya sa killer shark.

Hanggang ngayon, hindi pa rin makapaniwala si Gemma na wala na si Ian. Palagi pa raw niyang naririnig ang paghingi ng saklolo ng asawa habang sinasagpang ng pating. (www.oddee.com)

 

vuukle comment

AYON

GEMMA

GEMMA REDMOND

GRABENG

HANGGANG

HUMALO

IAN

IAN REDMOND

ISANG

SEYCHELLES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with