^

Punto Mo

Kriminalidad sa Sampaloc, lalaganap

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

SINALAKAY ng mga ta­uhan ni Supt. James Afalla, hepe ng Station 4 ng MPD, ang mga bookies ng karera sa Sampaloc, Manila nitong nakaraang mga araw. Subalit hindi ginalaw ni Afalla ang mga butas ni alyas Jeff at ang tinamaan niya ay yung kay Boni Abad, ang retiradong pulis Maynila na naka-umbrella kay Pacia. Bakit kaya iniiwasan ni Afalla ang mga butas ni Jeff? Alam kaya ni Ric de Guzman, ang spokesman ng idol ko na si Manila Mayor Alfredo Lim ang kasagutan? Kung totoo ang balita na iskoran ng marijuana at shabu ang mga butas ni Jeff, hindi nalalayo na lalaganap ang krimina­lidad sa Sampaloc area, di ba Mr. De Guzman Sir? Ipinapakita lang ni Afalla na hindi niya kaya ang bagyo na si Jeff, na kapitbahay naman ni Guia Gomez Castro, ang kandidato para sa konsehal sa partido ni Lim sa darating na Mayo.

Ang tropa naman ni SPO4 Gener Presnedi, alyas Paknoy, ay nagtatagpo sa Race One, ang restaurant sa ilalim ng building ng dating­ Rustan’s Supermarket sa Binondo. Kung nais mo silang mahuli sa akto NCRPO chief Dir. Dindo Espina Sir, puntahan mo sila sa Race One tuwing bigayan ng lingguhang intelihensiya at tiyak kopo sila roon. Ang makikita mo roon Gen. Espina, Sir ay si Presnedi, PO3 Michael Pornillos, Von Cruz, Fernan, Arnold Sandoval at ang sibil­yan na si Pacia. Totoo ba na naitsa-puwera sa tropa si Ver Navarro? Para dumami ang mga butas ng tropa ni Paknoy, kinukutsaba nila si Pacia para salakayin ang mga puwesto ng naka-umbrella sa huli. Halimbawa ng nakaraan lang, ni-raid ng mga alagad ng tropa ang mga naka-umbrella kay Erlan Samson at presto naghati sa mga umayaw na puwesto sina Erlan at Pacia. Magandang gimik ito ah, di ba mga kosa? Ito palang Race One ay pag-aari ng isang Chinese na dating parukyano sa karera ni Apeng Sy.

Para sa kaalaman ni Gen. Espina, hindi na sa jail ng CIDU naka-assign si Presnedi dahil binitawan siya ng hepe niya na si Insp. Steve Casimiro. Si Presnedi ay inampon ng kumare niya na si Chief Insp. Lucille Faycho, ng Women’s and Children’s Desk ng MPD. Teka nga pala Gen. Espina Sir, di ba dapat ang Women’s Desk ay puro babae lang ang naka-assign dahil mga kaso rin na involve ang mga babae ang kanilang inaatupag? Tinatawag naman­ ng mga kosa ko sa NCRPO si Pornillos na gambling lord, protector at collector. Di ba itong si Pornillos ay iniutos din ni Mayor Lim na arestuhin kasama ang ilan pang pulis dahil sa reklamo ng isang negosyante sa Zambales na kidnapping with extortion? Aba Mayor Lim sa Race One lang pala matatagpuan si Pornillos. Si Fernan naman ay kolektor ng NCRPO habang si Von Cruz naman ay 100 na ang butas ng karera sa Maynila.

Paano naman kaya nakabalik sa pagka-pulis si Navarro, na dinismis noon ni Interior Sec. Jesse Robredo dahil sa paggamit ng opisina ng huli sa tong collection? Sumakabilang buhay lang si Robredo e nakakuha kaagad ng padrino si Navarro para bumalik na muli sa PNP. Si incumbent Interior Sec. Mar Roxas kaya ang padrino ni Navarro?

vuukle comment

ABA MAYOR LIM

AFALLA

INTERIOR SEC

NAVARRO

PACIA

PORNILLOS

RACE ONE

VON CRUZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with