^

PSN Showbiz

Kaya hindi muna makapagtrabaho: Aktor iniyakan ang paghihiwalay nila ng ka-live-in na aktres

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Mending a brokenheart ang aktor na ito mula nang maghiwalay sila ng kanyang girlfriend/live-in part­ner na isa ring aktres. Kung titingnan ang aktres na parang hindi apektado sa paghihiwalay nila ng aktor, lumalabas na ang aktor pa ang mas apektado sa nangyari sa kanilang relasyon na matagal din naman nilang iningatan.

Ang paghihiwalay ng aktor at aktres ang main reason kung bakit hindi tinanggap ng aktor ang offer ng kanyang home network na maging parte ng isang malaking soap. Kinausap nito ang manager para kausapin ang network na pass muna siya sa project at gusto munang magpahinga at magmuni-muni.

Sa halip na soap, out-of-the-country project ang tinanggap nito para malayo muna sa bansa at sa mga bagay na nagpapaalala sa kanya sa nangyari sa kanila ng aktres. Sinabi na rin nito sa manager na baka last quarter pa ng taon pa siya ready tumanggap ng soap, ganun katagal ang ibinigay nito para makapag-move on siya.

Iniyakan ng aktor ang paghihiwalay nila ng aktres. Minahal nito ang aktres kahit hindi niya sinasabi at ayaw pa ngang pag-usapan ang relasyon nila at ang kanilang anak sa mga interview sa aktor.

Nakikita pa rin ng aktor ang anak nila ng aktres pero iba pa rin kung araw-araw mong kasama ang bagets na kanyang kinasanayan. Tahimik ang paghihiwalay ng dalawa, ayaw nilang kumpirmahin pareho, kaya ha­yaan muna natin sila.

Lorna at Dingdong nag-reunion agad

Nalaman namin kay Lolit Solis na kasama si Lorna Tolentino sa cast ng Genesis pero hindi siya ang leading lady ni Dingdong Dantes, kundi si Rhian Ramos. Role ng vice president ng bansa raw ang gagampanan ni LT at tama ba ang dinig naming si VP Jejomar Binay ang peg ni LT?

Kasama na si LT sa mga nagti-taping sa Baguio at noong isang gabi ito umakyat. Ayon pa kay Lolit, mahaba ang labas ni LT sa Genesis, mula umpisa ng soap hanggang sa ending. Ibig sabihin, hindi na makakasama si LT sa cast ng isa pang soap na sisimulan ng GMA 7 dahil halos kasabay ang airing nito sa Genesis.

Reunion nina LT at Dingdong ang Genesis dahil una na silang nagkasama sa Pahiram ng Sandali.

Alex umatras na naman sa halikan

Tama ang unang balita na kasama si Alessandra de Rossi sa cast ng Akin Pa Rin ang Bukas, ang soap na pagbibidahan ni Lovi Poe sa GMA 7. Kaya lang ay umatras si Alex dahil may kissing scene ang karakter na kanyang gagampanan eh ayaw nito ng kissing scene at hanggang maaari ay iiwas.

Nalungkot si Lovi dahil chance na sana nila ni Alex na muling magkasama after Legacy kung saan naging close sila hanggang maging best friend together with Heart Evangelista.

Matatandaang nag-back out din si Alex sa Temptation of Wife dahil pa rin sa kissing scene at kahit si Dennis Trillo ang makakahalikan, hindi talaga siya komportable.

Si Ina Feleo, anak ni Direk Laurice Guillen na director ng Akin Pa Rin ang Bukas, ang pumalit sa role ni Alex.

Marian at Sam mahirap pagsamahin sa stage, may mabu-boo

Nag-react ang fans ni Marian Rivera sa tweet ni Sam Pinto na “I think she super deserves it. She’s beautiful and super sexy.”

May kinalaman ang tweet ni Sam sa pananalo this year ni Marian ng FHM Philippines Sexiest at sa pagpapasa niya ng korona.

Suggestion ng fans ni Marian, kung may balak ang FHM na ipasa ni Sam kay Marian ang title at pagsamahin ang dalawa sa stage, huwag na raw ituloy at baka may ma-boo.

Tiniyak ni Marian na dadalo siya sa Victory Party ng FHM sa July 10 sa World Trade Center sa Pasay City para pasalamatan ang mga walang pagod na bumoto sa kanya. Siyempre present din si Sam na nag-number two. Okay na raw na rumampa ang dalawa pero ’wag na silang pagsamahin pa sa stage.

Samantala, mamaya na ang premiere night ng My Lady Boss sa SM Mega­mall at nangako ang fans ni Marian na susuportahan ang pelikula nila ni Richard Gutierrez na showing sa July 3.

vuukle comment

AKIN PA RIN

AKTOR

AKTRES

ALEX

BUKAS

DENNIS TRILLO

DINGDONG DANTES

DIREK LAURICE GUILLEN

HEART EVANGELISTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with