^

PSN Palaro

Sta. Lucia Realty hinugot si Pascua

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tuloy ang rigodon sa Philippine Superliga.

Sa pagkakataong ito sa kampo ng Sta. Lucia Realty.

Kinuha ng Sta. Lucia si George Pascua bilang bagong head coach ng Lady Realtors.

Tuluyan nang nilisan ni Pascua ang Cignal HD matapos ang isang taong paghawak sa programa ng tropa.

Dinala ni Pascua ang HD Spikers sa kampeonato sa Invitational Conference noong nakaraang taon pero nagkasya lamang ito sa tansong medalya sa All-Filipino Conference.

Subalit dinapuan ng kamalasan ang Cignal nang isa-isang nagtamo ng injury ang ilang top players nito kabilang na si opposite spiker Jovelyn Gonzaga.

Sumunod na na-injured sina dating PSL MVP Rachel Anne Daquis at open spiker Janine Marciano dahilan upang mapatalsik sa kontensiyon ang HD Spikers sa Grand Prix.

Umabot lamang sa quarterfinals ang Cignal.

Sa kabilang banda, umaasa ang pamunuan ng Lady Realtors na madadala ni Pascua ang kanyang malalim na karanasan upang tulungan ang grupo na umangat sa liga.

Sa kanilang unang season sa PSL, bigong makapagtala ng panalo ang Lady Realtors sa Invitational Conference.

Pumang-anim naman ang Sta. Lucia sa All-Filipino at Grand Prix.

Pinalitan ni Pascua sa Sta. Lucia si dating mentor Jerry Yee na lumipat sa bagong koponang Total na maglalaro naman sa Premier Volleyball League.

Si Pascua ang ikaapat na coach ng Lady Realtors.

Unang hinawakan ang Sta. Lucia ni Macky Carino sa Invitational Conference kasunod ni Sammy Acaylar sa All-Filipino Conference at Yee sa Grand Prix.

Nauna nang nagpalit ng coach ang Foton at Cocolife.

Napunta sa Tornadoes si Rommel Abella na da­ting coach ng Pocari Sweat habang kinuha naman ng Asset Managers si Serbian Moro Branislav.

Sa pagpapalit ng mga coaches, inaabangan na rin ang recruitment ng mga teams sa foreign imports.

Kumpleto na ang imports ng Cocolife dahil kinuha nito sina Serbian Sara Klisura at American Taylor Milton.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with