^

PSN Opinyon

Presidente o Ombudsman: Kanino tayo kakampi?

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

MUKHANG nagkakainitan ngayon sina Pres. Digong Duterte at Ombudsman Conchita Carpio-Morales. Mainit ang patutsadahan ng salita ng dalawang mataas na lider ng bansa. Para sa akin habang maaga pa dapat meron nang mamagitan sa kanila at huwag nang hintayin pang lumala ang away. Parehong may matigas na paninindigan ang dalawang lider parehong ayaw magpatalo, ang sa akin lang meron tayong batas na sinusunod kaya kailangang dumaan sa tamang pro-seso. Ang pinag-ugatan ng simpleng away ay tungkol sa sundalo at pulis na ang gusto ni Digong ay humingi muna ng clearance sa kanya bago imbestigahan.

Palagay ko tama si Morales, dahil sa ilalim ng batas siya ay nasa kapangyarihan para i-subpoena ang mga tiwaling opisyal ng gobyerno kasama na rito ang mga pulis at sundalo. Para sa akin dapat hayaan ni Digong na imbestigahan ang kanyang  mga tropa, kung talagang walang ginawang mali ang mga ito pabaya­ang gumulong ang batas, walang dapat ipag-alala. Iimbes­tigahan pa lang naman, hindi pa sila hahatulan, kaya anong mali sa gagawin ng Ombudsman? Malaki ang tiwala ko kay Morales. Wala na akong nakitang ganito katapang na umupo diyan sa Office of the Ombudsman, walang takot na binabangga ang mga pader sa lipunan.

Katulad ni Digong matalim din ang dila kung magsa-lita si Morales. May posibilidad na kapag natapos na ang termino niya sa Ombudsman ay hindi na siya kukunin ni Digong. Mahirap kumuha ng isang lider na walang kinikilingan. Uso ngayon sa gobyerno kinuha ka sa puwesto dahil sa may utang na loob o kaya naman magsisilbi ka ng tapat dahil nagbabayad ka ng utang na loob.

Hindi dapat nag-aaway ang mga lider ng bansa bagkus nagkakaisa at nagtutulungan para sa ikalulutas ng problema.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with