Mga tinalikuran nina Roxas at Drilon, bumabangon na
TULALA ang mga kababayan nating sinalanta ni Super Typhoon Yolanda sa Visayas Region. Kulang kasi sa pagkain, gamot, tubig inumin, gamit sa katawan na panangÂgalang sa init at ulan at siyempre bahay na matutuluyan matapos mawasak ng bagyo. Natural ang kanilang pagbubuntunan ng sisi ay ang pamahalaang Aquino na nagkulang sa pagbibigay ng ayuda. Bangkarote ang pamahalaan matapos maibulsa ng ilang pulitiko at pekeng NGO ni Napoles. Kaya ang ibang bansa na nagbigay ng financial at food assistance ay nagkanya-kanya sa pamamahagi ng kanilang tulong. Lumalabas na kahiya-hiya ang ating bansa sa paningin ng mga banyaga.
Napabalita sa buong mundo ang pinsalang dulot ni Yolanda kaya maraming nagbigay ng pagkain, damit, gamot, heavy equipment, doctors, hospital ship, C-130 at choppers. Ngunit ang pamahalaan ay kulang sa sistema sa pamamahagi ng relief goods. May mga bali-balita pa na itinatago ang mga imported na donasyon at pinapalitan ng mga lumang kagamitan. Lalong umasim ang mga sikmura ng mga biktima ni Yolanda.
Ang masakit, sa kasagsagan ng pagtulong ng mga banyaga at non-government organizations nagkaroon pa ng isyung “kontra partido†sa pamamahagi ng relief goods, kaya hindi nakatikim ang mga taga Panay Island na kinabibilangan ng Capiz, Iloilo, Aklan at Antique. Naka-pokus lang ang pamahalaan sa Tacloban, Leyte at Cebu dahil nandoon ang media. Hehehe! Subalit sa Capiz, Iloilo, Aklan at Antique ay tira-tira lamang ang natikman ng mga kababayan ko roon. Walang local media na magbibigay ng media coverage sa mga alipores ni P-Noy dahil bagsak ang communication.
Kaya ang pinagbubuntunan ng sisi ng mga kababayan ko roon ay sina DILG secretary Mar Roxas ng Capiz at Senate president Franklin Drilon ng Iloilo City. Binalewala kasi nila ang paghihirap ng mga kababayan. Subalit ang kanilang pagkukulang ay pinunan naman ng mga banyaga at ng mga kababayang Ilonggo na galing sa Sultan Kudarat. Ngayon ay unti-unti nang nakakabangon ang mga tinalikuran ni Roxas at Drilon. Kaya ang hirit nila kay P-Noy, Roxas at Drilon, pursigihin ang paghabol sa mga pulitiko at kay Napoles na lumustay ng pera ng taumbayan. Parusahan ang mga ito para mapawi ang kanilang poot. Abangan!
- Latest