^

Metro

Sumuko sa ‘Tokhang’, itinumba!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Isang suspected drug pusher, na sumuko sa ‘Oplan Tokhang’ ngunit hindi naman umano tumigil sa pagtutulak ng ilegal na droga, ang nasawi nang pagbabarilin ng tatlong di kilalang lalaki sa loob ng kanilang tahanan sa Brgy. Sto. Niño, Marikina City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Russel Jocson, 44, ng Narlugod St., sa Brgy. Sto. Niño, habang nakatakas naman ang mga di kilalang suspek matapos ang ginawang krimen.

Batay sa ulat ng Marikina City Police, dakong alas-8:50 ng gabi nang maganap ang krimen sa loob mismo ng taha­nan ng biktima.

Kasalukuyan umanong nasa loob ng kanyang tahanan si Jocson nang pasukin ng tatlong di kilalang suspek at ka­agad na pinagbabaril sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan at saka tumakas.

Hindi na naisugod pa sa pagamutan ang biktima dahil nalagutan na ito ng hininga.

Hinala naman ng pulisya na may kinalaman sa illegal na droga ang pagpatay ngunit patuloy pa rin nila itong iniimbestigahan upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga taong nasa likod nito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with