Binata tinodas ng 50-anyos na karibal

Sabay dumalaw sa nililigawan…
MANILA, Philippines — Agad na namatay ang isang 27-anyos na lalaki matapos na undayan ng saksak sa dibdib ng 50-anyos na karibal nito sa babaeng kanilang nililigawan sa Barangay Cotta, Lucena City, Quezon, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Edilberto habang tugis na ang tumakas na suspek na si Danilo ng PNR compound ng nasabi ding barangay.
Ayon kay PLt.Col.William Angway, chief of police dito, bandang alas-7:00 ng gabi ay bumisita ang suspek sa niligawang babae, subalit naabutan nito ang karibal na biktima.
Nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang dalawa hanggang sa awatin sila ng babae at kapwa umuwi na sa kani-kanilang mga bahay.
Subalit, bandang alas-7:45 ng gabi ay sinugod umano ng suspek ang biktima na noon ay nakahiga sa loob ng kanyang bahay saka inundayan ng saksak sa dibdib at tumakas bitbit ang patalim na ginamit sa krimen.
- Latest



















