^

Probinsiya

CAFGU member, ginang, utas sa ambush

John Unson - Pilipino Star Ngayon
CAFGU member, ginang, utas sa ambush
Nakabulagta ang bangkay ng isang miyembro ng Citizens Armed Forces Geographical Unit sa tabi ng kanyang motorsiklo matapos na sila ay pagbabarilin sa Barangay Chinese Pier sa Jolo, Sulu.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Napatay ang dalawang katao kabilang ang isang miyembro ng Citizens Armed For­ces Geographical Unit (CAFGU) nang sila ay pagbabarilin habang sakay ng motorsiklo nitong Miyerkules sa Barangay Chinese Pier sa Jolo, Sulu.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Junior Pacolanan Medalle, isang CAFGU member, at ang kasamang si Nuraiza Usman Anni.

Sa ulat ng pulisya, magkaangkas sina Medalle at Anni sa motorsiklo at pagdating sa nasabing lugar ay niratrat sila ng mga armadong kalalakihan na nakaabang sa kanila.

Nang bumulagta ang dalawa ay mabilis na tumakas ang mga suspek na sakay ng motorsiklo.Nasamsam sa lugar ng insidente ang mga basyo ng .45 caliber at 9 millimeter pistols.

Inaalam pa ng mga kinauukulan kung sino ang mga salarin at kung ano ang motibo sa pagsagawa ng pamamaril.

AMBUSH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with