^

Probinsiya

LPG tank sumabog: Bahay nasunog, 1 sugatan

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
LPG tank sumabog: Bahay nasunog, 1 sugatan
Inoobserbahan ngayon sa pagamutan ang lagay ng biktima na kinilala sa alyas na Loyd, nasa hustong gulang at, residente ng nasabing lugar
STAR/ File

CAVITE , Philippines — Isang lalaki ang sugatan nang tumilapon sa malakas na pagsabog ng kanilang LPG tank na sinasabing nag-leak, kahapon ng madaling araw sa Brgy. Pasok Buaya 2, Imus City.

Inoobserbahan ngayon sa pagamutan ang lagay ng biktima na kinilala sa alyas na Loyd, nasa hustong gulang at, residente ng nasabing lugar

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-4:45 ng madaling araw nang maganap ang pagsabog. Gumising ang biktima upang maghanda sa pagpasok nito kung kaya binuksan nito ang kanilang ilaw.

Subalit pagpindot nito sa switch ng kanilang ilaw at kasabay ng pagsindi nito, isang malakas na pagsabog ang naganap mula sa kanilang LPG.

Lingid sa kaalaman ng biktima na tumagas na pala ang kanilang LPG tank at kumalat sa buong kabahayan ang singaw nito kung kaya pagsindi ng ilaw ay sumabay ang pagsabog.

Sa lakas ng pagsa­bog, mabilis na kumalat ang apoy sa buong kabahayan na ikinasugat ng biktima na tumilapon sa pagsabog.

Ayon sa pagsisiyasat ng Bureau of Fire and Protection sa pangunguna ni FO3 James Luther B Nones, ang pag-leak ng LPG tank lalo na kapag nakulob sa buong kabahayan ay mabilis na sisiklab lalo na kapag sa kuryente.

vuukle comment

LPG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with