^

Probinsiya

Baboy, iba pang pork products pwede na sa Negros Oriental

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Baboy, iba pang pork products pwede na sa Negros Oriental
Customers shop for pork meat in Marikina Public Market on March 14, 2023.
STAR / Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Maaari nang magpasok ng buhay na baboy o anumang pork products sa lalawigan ng Negros Oriental.

Ito’y matapos na tanggalin ni Negros Oriental Governor Manuel “Chaco” Sagarbarria ang ban o ang pagbabawal sa pagpasok ng pork products bilang pag-iingat noong kasagsagan ng krisis sa African Swine Fever (ASF).

Layunin ng Executive Order No. 10 series of 2024 na pinirmahan ni Sagarbarria na salbahin ang naghihingalong lokal na industriya ng babuyan sa lalawigan bunsod ng ASF na ininda ng buong bansa.

Ayon sa gobernador, ang pagbabalik normal na operasyon ng hog industry sa lalawigan ang tanging hakbang na nakikita ng kaniyang pamunuan matapos ang konsultasyon sa mga stakeholders.

Dahil dito, umaasa ang kapitolyo ng Negros Oriental na makakatulong ito sa mga magbababoy sa kanilang lalawigan maging ng karatig- lalawigan sa Central Visayas, Western Visayas, at Mindanao na dati nang nakakatransaksyon ng kanilang probinsya sa industriya.

Matapos ilabas ang kautusan ng gobernador, malaya nang mu­ling makapasok sa Negros Oriental ang baboy at produkto nito mula sa labas ng lalawigan. Kailangan lamang na sundin ang mga basic requirements na itinakda ng Bureau of Animal Industry (BAI) at Department of Agriculture (DA).

Umaasa si Sagarbarria na ang ibang lalawigan ay susunod rin sa ginawang pagtatanggal ng ban upang mas madama ng buong bansa ang pagbangon ng hog industry.

vuukle comment

ASF

PORK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with