^

Probinsiya

Private tutor kinatay, hinulog sa ilog

Joy Cantos, Ed Amoroso, Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Private tutor kinatay, hinulog sa ilog
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Arcel Regio, nasa 44-50 anyos at residente ng nasabing barangay.
STAR / File

MANILA, Philippines — Isang private tutor na miyembro umano ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender and Queer (LGBTQ) community ang patay makaraang tadtarin ng saksak at ihulog ang bangkay sa ilog sa Sitio Tipaz Sulok, Barangay Tipaz, San Juan, Batangas, kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Arcel Regio, nasa 44-50 anyos at residente ng nasabing barangay.

Ayon sa report ng San Juan Police, nadiskubre ang bangkay ni Regio na nakalubog sa tubig ng Malaking Ilog River sa Barangay Tipaz dakong alas-12:10 ng tanghali nitong Biyernes.

Ayon sa kapatid nito na si Donald Regio na siyang nakatunton sa bangkay, hinanap niya ang kapatid matapos na hindi na nakauwi sa kanilang bahay simula nang umalis dakong alas-3:00 ng madaling araw ng Biyernes matapos na sunduin ng isang lalaki at sumakay sila sa motorsiklo.

Sa paghahanap sa kapatid, nakita nito ang mga bakas ng dugo mula sa barangay road hanggang sa damuhan na humantong sa riprap sa gilid ng ilog.

Agad nagbuo ang pulisya ng search and retrieval team para sisirin ang ilog at matapos ang ilang minuto ay nakitang nasa ilalim nga ang bangkay ng biktima. Nakitang tadtad ito ng hindi pa matiyak na bilang ng saksak sa likod at iba’t ibang bahagi ng katawan.

Naging pahirapan sa mga reponder ang pag-aahon sa biktima na ginamitan pa ng lubid para maiakyat ito sa mataas na pampang.

Iniimbestigahan naman ng mga pulis ang isang lalaking kabarangay nito na umano ay siyang boyfriend ng biktima. Pero hindi matiyak kung siya ang lalaking sumundo rito ng madaling araw.

Narekober ng mga pulis sa crime scene ang isang kutsilyo at isang icepick na hinihinalang ginamit sa krimen.

vuukle comment

DEAD

LGBTQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with