^

Probinsiya

Mag-utol na nagpapahangin sa parke, binaril ng sekyu, 1 patay

Cristina Timbang, Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
Mag-utol na nagpapahangin sa parke, binaril ng sekyu, 1 patay
Nag-viral ang video footage na makikita na ang biktima ay kawani ng South Luzon Expressway-San Miguel Corp. ay nakitang binaril ng isa sa dalawang sekyu habang nagtatalo sa gitna ng admin. building ng Calamba Premiere International Park (CPIP), Barangay Batino, Calamba City.
STAR/File

MANILA, Philippines — Isang magkapatid na lalaki ang binaril ng sekyu na ikinasawi ng isa dito sa gitna ng mainitang pagtatalo sa parke na sakop ng South Luzon Expressway-San Miguel Corp., sa Calamba City, Laguna nitong Sabado ng hapon.

Nag-viral ang video footage na makikita na ang biktima ay kawani ng  South Luzon Expressway-San Miguel Corp. ay nakitang binaril ng isa sa dalawang sekyu habang nagtatalo sa gitna ng admin. building ng  Calamba Premiere International Park (CPIP), Barangay Batino, Calamba City.

Naiposte ang video Facebook account, na kung saan ay makikita ang biktimang si  Ronald, welder, at kapatid na si Robert Santilla, ay nagpapahinga lang sa tabi ng CPIP sa kahabaan ng LEX noong Sabado sa pagitan ng 1:15 ng hapon.

Nakunan ng CCTV ang dalawang sekyu na alyas Demetrio at Al Jun, sekyu ng Hunter Security Agency sa Barangay Batino ang mainitang pagtatalo dahil sa tumatakbo sa loob ng bakal na bakod ang magkapatid.

Sa gitna ng mainitang pagtatalo ay pinagbabaril ng isang sekyu ang magkapatid na kung saan ay namatay si Ronald noon din.Naaresto na ang suspek at nakatakdang kasuhan.

vuukle comment

HUNTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with