^

Probinsiya

927 magsasaka tumanggap ng ayuda sa Valentine’s Day

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Bilang bahagi ng selebrasyon ng Valentine’s Day ngayong Pebrero, tumanggap ng pinansyal na tulong ang mga magsasaka sa ba­yan ng Dupax del Norte sa lalawigang ito kama­kalawa.

Ayon kay Mayor Atty. Timoty Joseph Cayton, nasa 927 na mga re­gis­tered rice farmers ang nabigyan ng pinasyal na tulong sa pamamagitan ng local Rice Farmers­ Financial Assistance (RFFA) na pinondohan mismo ng pamahalaang local ng Dupax del Norte.

“Ang mga benepisyaryo ay pawang mga magsasaka na hindi kasali sa national Rice Farmers Financial Assistance ng Department of Agriculture,” pahayag ni Cayton sa PSN/PM.

Umabot naman sa halagang P2,000 hanggang P6,000 ang naipasakamay sa bawat benepisyaryo o katumbas ng P2,000.00 sa bawat hektarya na sinasaka ng isang indibiduwal.

Ang lokal na bersyon ng RFFA ay pinagtibay ng isang municipal ordinance na ipinasa ni Vice Mayor Victorino Prado noong naninilbihan pa ito bilang miyembro ng Sangguniang Bayan.

Ayon pa kay Cayton, tatanggap din ng kaparehong ayuda ang mga corn farmers at mga vegetable farmers sa mga susunod na araw.

Ang LGU Dupax del Norte ay nakilala sa buong bansa dahil sa mga tulong pinansyal na ibinibigay sa lahat ng sector na naging susi para matanghal itong kampeon sa larangan ng social services. 

vuukle comment

VALENTINE’S DAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with