Big-time pusher timbog sa halos P.4 milyong shabu
CAVITE, Philippines — Nalambat ng pulisya ang isang hinihinalang bigtime drug pusher at dealer ng shabu matapos makuhanan ng halos P.4 milyong halaga ng illegal drugs sa inilatag na buy-bust operation kahapon ng madaling araw sa Brgy Maderan Gen Mariano Alvarez, dito sa lalawigan.
Kinilala lang ng pulisya ang suspek sa pangalang Robert, nasa hustong gulang, na kasama sa High Value Individual (HVI) target ng pulisya at residente ng nasabing lugar.
Sa nakalap na ulat mula sa pulisya, alas-4:50 ng madaling araw nang ikasa ng Station Drug Enforcement Team ng GMA Municipal Police Station ang buy-bust operation laban sa suspek.
Nang magkaabutan umano ng droga at marked money mula sa poseur buyer, agad na dinakip ang suspek. Nakuhanan siya ng may 57.5 gramo ng shabu na aabot sa halagang P391,000.
- Latest