^

Probinsiya

Halos 70 katao nasagip sa papalubog na bangka sa Quezon

James Relativo - Philstar.com
Halos 70 katao nasagip sa papalubog na bangka sa Quezon
Litrato ng nasa 60 pasahero at pitong crew members ng Motorbanca Jovelle Express 3 na nasagip habang tumatawid ito sa Barangay Macnit, Polillo, Quezon ngayong ika-3 ng Agosto, 2023
Released/Coast Guard Station Northern Quezon

MANILA, Philippines — Nasa 67 katao ang nailigtas ng Philippine Coast Guard matapos nitong rumesponde sa papalubog na bangkang tumatawid sa katubigan ng Barangay Macnit, Polillo, Quezon ngayong Huwebes.

Sinasabing nilisan ng passenger boat na Motorbanca Jovelle Express 3 ang Patnanungan Port bandang 10 a.m. sa Real, Quezon, ayon sa ulat ng PCG.

"Coast Guard Station Northern Quezon reported that adequate lifevests were provided to the passengers prior it left port with good weather condition," sabi ng ulat ng Coast Guard District Southern Tagalog.

"While underway, said boat incurred damage to its forward part as a hard material accidentally hit the boat causing the motorbanca to take in water."

 

 

Lulan ng bangka ang nasa 60 pasahero at pitong crew, na siyang may dalawang 15 styrofoam boxes ng sari-saring isda.

Bandang 1 p.m. nang makakuha ng mensahe ang Coast Guard Sub Station Patnanungan mula sa isa sa mga pasahero patungkol sa pinagdaanan ng kanilang vessel.

"The Coast Guard immediately dispatched their Deployable Response Group and departed Patnanungan Port onboard Motorbanca 'Leonor Dos'  and established contact with motorbanca 'AdaJay' which was rendering assistance to Jovelle Express 3 at the incident area," dagdag pa ng Coast Guard District Southern Tagalog.
 
"Likewise, Coast Guard Station Northern Quezon directed its sub-station in Polillo to proceed at said barangay to render assistance."

Agad namang inutusan ng Coast Guard Station Northern Quezon ang sub-station nito sa Polillo para magtungo sa naturang baranggay para maghatid ng tulong.

Dinala naman na ang mga pasahero sa baranggay hall ng Macnit, Polillo at natasang nasa mabuting kalagayan sa ngayon.

Wala pa ring naitatalang patay o nawawala sa mga nakasakay sa bangka sa ngayon. Nag-aantay na lang ang mga nabanggit ng bangkang magdadala sa mga pasahero't crew sa kanilang port of destination.

vuukle comment

PHILIPPINE COAST GUARD

QUEZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with