^

Probinsiya

Negosyante itinumba sa pickup truck  

Ed Amoroso, Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Negosyante itinumba sa pickup truck     
Ayon kay Col. Ledon Monte, Quezon police director, ang biktima ay kinilalang si Isaac Baquirel Cristota, 56-anyos, residente ng Ferenzy Subdivision, Brgy. Isabang, Lucena City, Quezon.

LUCENA CITY, Philippines —  Hindi na umabot pang buhay sa ospital ang isang negosyante matapos barilin ng hindi nakikilalang salarin habang nakaupo sa loob ng kanyang pickup truck na nakaparada sa kalye na sakop ng Ferenzy Subdivision sa Barangay Isabang, dito, kahapon ng umaga.

Ayon kay Col. Ledon Monte, Quezon police director, ang biktima ay kinilalang si Isaac Baquirel Cristota, 56-anyos, residente ng Ferenzy Subdivision, Brgy. Isabang, Lucena City, Quezon.

Sinabi ni Monte na paalis na sana si Cristota at nakaupo sa dri­ver’s seat ng kanyang Ford Raptor dakong alas-5:30 ng umaga nang biglang lumutang ang ‘di kilalang gunman at pinagbabaril nang malapitan ang biktima.

Naglakad lamang ang salarin matapos isagawa ang krimen habang ang biktima ay mabilis na isinugod sa Unihealth Hospital sa Tayabas City, Quezon subalit idineklarang dead-on-arrival dahil sa mga tama ng hindi pa batid na bala ng baril sa ulo at iba’t ibang parte ng kanyang katawan.

Dagdag ni Monte, may inisyal na teorya ang pulisya na may kinalaman sa negos­yong “oil products” ang motibo sa pagpatay sa biktima.

“One or two suspects could be behind the plot or crime,” pahayag ni Monte.

“The victim was businessman engaged in oil products. We are investigating and checking an information about their family business,” dagdag pa ng opisyal.

Inatasan na rin ni PLt. Col. Ruben Ballera Jr., hepe ng pulisya sa Lucena, na tugisin at kilalanin ang suspek sa pamamagitan ng posibleng pag-recover sa mga kopya ng CCTV na malapit sa papasok at palabas ng subdibisyon upang makakuha ng lead sa mga suspek sa pamamaslang.

vuukle comment

FERENZY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with