^

Probinsiya

Health worker tinamaan ng hawakan ng poso sa noo, dedo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang barangay health worker (BHW) sa Pangasinan ang nasawi matapos aksidenteng tamaan sa noo ng hawakan ng poso habang siya ay nag-iigib.

Natagpuan ang bang­kay ng biktima na si Hilda Siapno, 50, sa tabi ng poso at nakitaan ng malalim na sugat sa kanyang noo.

Sa ulat, sinabing nangyari ang insidente sa Barangay Gueguensangen, Mangaldan, Pangasinan.

Ayon sa ina ng bik­tima, tinamaan ng hawakan ng poso ang noo ng biktima kaya natumba ito at sumubsob sa kanal.Mag-iigib daw sana ang biktima.

“Kinuha namin na matigas na [ang kanyang bangkay] ... masakit talaga ang nangyari sa anak ko. Hindi namin nasaklolohan sa kanyang paghihirap,” pahayag ng ina ni Hilda na si Pili Siapno-Magno.

Hindi na nagbigay ng pahayag ang pulisya, pero tiniyak umano nila na walang foul play sa insidente.

vuukle comment

BHW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with