^

Probinsiya

Adik na pumatay sa 3-buwang sanggol na pamangkin, kinasuhan ng ‘murder’

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Adik na pumatay sa 3-buwang sanggol na pamangkin, kinasuhan ng �murder�
Ang suspek na si John Melvin Caino, 18, ay nakapiit na sa Cainta Municipal Police Station dahil sa pagpatay sa kanyang pamangkin na si Bryant Louise Ballesteros.
STAR/File

MANILA, Philippines — Sinampahan na ng kasong murder sa piskalya ang isang binata matapos banlian ng kumukulong tubig ang kanyang 3-buwang gulang na pamangkin sa loob ng kanilang tahanan sa Cainta, Rizal.

Ang suspek na si John Melvin Caino, 18, ay nakapiit na sa Cainta Municipal Police Station dahil sa pagpatay sa kanyang pamangkin na si Bryant Louise Ballesteros.

Matatandaang dakong alas-10:30 ng umaga nang madiskubre ng mga kapitbahay ang pagpatay nang magtaka ang mga ito matapos na umalis ang suspek nang hindi inihahabilin sa kanila ang sanggol.

Dahil dito, sumilip ang mga kapitbahay sa tahanan ng mga biktima sa Room 102 ng Basilio Room for Rent, na matatagpuan sa Sampaguita St., Ampalaya Compd., Sitio Halang, Brgy. San Isidro, Cainta, Rizal.

Dito nila nadiskubre ang bangkay ng biktima na lapnos mula ulo hanggang paa.

Ayon kay PMaj. Alfonso Saligumba, hepe ng Cainta Municipal Police Station, naaresto nila ang suspek sa isinagawang follow-up operation sa tahanan ng mga magulang nito sa San Jose del Monte City, Bulacan.

Umamin umano ang suspek sa pulisya na nagawa lang nito ang krimen habang nasa ilalim siya ng impluwensiya ng ilegal na droga.

vuukle comment

BRYANT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with