^

Probinsiya

4 magkapatid minasaker ng amain

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
4 magkapatid minasaker ng amain
Kapwa duguan at wala ng buhay nang matagpuan sa loob ng kuwarto ng kanilang bahay sa Summer Homes ng nasabing barangay ang magkakapatid na sina Prince Viajan Marie Bisa, 14; Bianca Rose Bisa,10; Jacklyn Joy Bisa, 8; at Conrado Bisa, 6.
File

MANILA, Philippines — Apat na magkaka­patid ang nasawi nang ataduhin ng sak­sak ng kanilang stepfather na nagsaksak din sa sarili sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Cabuco, Trece Martires City, Cavite, kahapon.

Kapwa duguan at wala ng buhay nang matagpuan sa loob ng kuwarto ng kanilang bahay sa Summer Homes ng nasabing barangay ang magkakapatid na sina Prince Viajan Marie Bisa, 14; Bianca Rose Bisa,10; Jacklyn Joy Bisa, 8; at Conrado Bisa, 6.

Sa nakalap na ulat mula kay Police Col. Jonathan Aznan, hepe ng pulisya sa lungsod na ito, alas-12:35 ng tanghali nang makatanggap sila ng tawag mula sa mga barangay opisyal hinggil sa nangyaring krimen sa loob ng bahay ng biktima.

Pagdating ng pulis­ya ay nakakandado ang gate ng bahay kaya gi­na­mitan ito ng bolt cutter upang mabuksan at pagpasok nila ay bumuluga ang suspek na duguang nakahandusay at may tarak ng patalim sa dibdib nito.

Pagpasok sa mga kuwarto ng magkakapatid ay dito na bumungad ang mga duguang ka­tawan ng mga bikti­ma na tadtad ng mga saksak.

Nabatid sa mga kapitbahay ng mga biktima, nakarinig umano sila ng sigawan at iyakan dito kung kaya humingi sila ng tulong sa barangay at pulisya.

Ang suspek ay dinala sa General Emilio Aguinaldo Medical Hospital na kung saan ay namatay, alas-1:55 ng hapon habang nila­lapatan ng lunas.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, isang OFW sa Saudi Arabia ang ina ng magkakapatid at mahigit sa isang buwan pa lamang  umano ang relasyon nito sa suspek. - Ed Amoroso

vuukle comment

MASSACRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with