^

Probinsiya

Bagong silang na sanggol, itinapon sa irigasyon

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

STA. ROSA, Nueva Ecija, Philippines — Isang bagong silang na sanggol na babae na may nakakabit pang umbilical cord sa pusod nito ang natagpuang patay at palutang-lutang sa isang irrigation canal sa Barangay Tagpos ng bayang ito, noong Martes ng hapon.

Ayon kay P/Major Neilmar Retana, hepe ng pulisya rito, alas-4:30 ng hapon, kamakalawa nang matagpuan umano ng hindi nagpakilalang tanod ng nasabing barangay ang sanggol na palutang-lutang sa nasabing irigasyon.

Agad umanong iniahon patungo sa lupa ang nasabing sanggol at dito ay nadiskubreng kamamatay lang nito.

Ayon naman kay P/Cpl. Jerry Oria, may hawak ng kaso, patuloy pa nilang inaalam sa nakuhang CCTV footage kung sino ang walang pusong ina o magulang na nagtapon sa bagong silang na sanggol, upang mahuli ito at mapanagot sa batas. 

vuukle comment

SANGOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with