^

Probinsiya

Pilgrim naligo sa Mt. Banahaw, nilamon ng ilog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Pilgrim naligo sa Mt. Banahaw, nilamon ng ilog
Sa report ng Quezon Police, nangyari ang insidente bandang alas-2 ng hapon sa Brgy. Sta Lucia sa isang ilog ng dinarayong Mount Banahaw.
File

MANILA, Philippines — Patay ang isang 69-anyos na lola na kanilang mga pilgrims matapos malunod habang naliligo sa ilog sa paanan ng Mt. Banahaw sa bayan ng Dolores sa lalawigan ng Quezon kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang biktima na dumayo lamang sa lugar na si Vicenta Castillo, residente ng Makati City.

Sa report ng Quezon Police, nangyari ang insidente bandang alas-2 ng hapon sa Brgy. Sta Lucia sa isang ilog ng dinarayong Mount Banahaw.

Ayon sa ilang nakasaksi sa pangyayari, kasalukuyang naliligo sa ilog si Castillo, ang Lola nang bigla siyang tangayin ng malakas na agos.

Tuluy-tuloy na nila­mon ng ilog ang matanda at may ilang oras ding hinanap ng search and rescue team.

Ang bangkay ng matanda ay narekober ng search and rescue team makalipas ang ilang oras.

Nabatid na ang biktima ay kasama sa mga pilgrims o mga nama­manata na dumarayo sa milagrosong ilog sa Mt. Banahaw partikular na sa Brgys. Kinabuhayan at Sta Lucia; pawang host ng puestos (sagradong lugar) na sumi­simbolo ng kabanalan ng nasabing bundok sa hanay ng mga nama­manata.

Kaugnay nito, pinag-iingat ng mga awtoridad ang mga pilgrims na dumarayo sa Mt. Banahaw para maiwasan ang kahalintulad na disgrasya.

vuukle comment

DROWNING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with