^

Probinsiya

15 panabong na manok ninakaw

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
15 panabong na manok ninakaw
Tugis na ng pulisya ang suspek na si John Mark Revellame Alias Onse, may sapat na gulang, may asawa, at residente ng Burdeos, Quezon.
STAR/File

LUCBAN, Quezon, Philippines — Aabot sa 15 sasabunging manok na nagkakahalaga ng P225,000.00 ang ninakaw ng nag-iisang kawatan sa isang game farm sa Barangay Aliliw sa bayang ito, kamakalawa ng gabi.

Tugis na ng pulisya ang suspek na si John Mark Revellame Alias Onse, may sapat na gulang, may asawa, at residente ng Burdeos, Quezon.

Ayon sa ulat, dakong 11:30 ng gabi nang personal na nagtungo sa Lucban Municipal Police Station (MPS) ang farm supervisor upang ireport ang pagkawala ng 15 mga manok na sasabungin na kinabibilangan ng dalusapi, paniksikan at bulik.

Base sa salaysay ng saksi, alas-2:00 ng madaling araw nang maaktuhan niya ang suspek na inilalagay sa isang malaking sako ang mga manok at nang tangkain niya itong habulin ay kumaripas ng takbo ang huli.

Sa follow-up operation ng pulisya ay nabawi ang isang tandang sa Burdeus Municipal Police Station na umano ay itinurn-over ng isang sabungero na nakabili mula sa suspek sa pangambang maaari siyang makasama sa kaso.

Kasong qualified theft ang naghihintay sa suspek sa sandaling malambat ito ng mga otoridad.

vuukle comment

MANOK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with