^

Probinsiya

Forklift operator binoga ng nakaalitang sekyu

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

SCIENCE CITY OF MUÑOZ, Nueva Ecija, Philippines — Nagtamo ng dalawang tama ng bala ng baril sa kanyang dibdib ang isang 30-anyos na forklift ope­rator ngunit himala itong nakaligtas sa kamatayan matapos barilin ng nakaalitan nitong security guard sa loob ng kanilang pinapasukang opisina sa Barangay Bantug, dito, noong Huwebes ng umaga. 

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Robin Verdadero, may live-in partner ng Brgy. Sibut, San Jose City, NE, na agad na isinugod sa hindi pinangalanang pagamutan.

Naaresto naman ng pulisya rito ang sekyu na suspek na si Jeremy Ferrer, 21, may-asawa ng Brgy. Villa Isla, ng lungsod na ito.

Sa imbestigasyon, nabatid na kapwa nagtatrabaho ang dalawa sa Go­vernors Enterprise, isang San Miguel Brewery Sales Office, sa nasabing lugar, nang bandang alas-7:05 ng umaga ng Huwebes ay nagkaroon ng matinding alitan ang dalawa na nauwi sa suntukan ng mga ito.

Hindi nagtagal ay tumakbong palayo ang suspek sa biktima hindi para sumuko sa kanilang away bagkus ay nagtungo sa kanyang motorsiklo at dali-daling kinuha ang kanyang short firearm sa compartment nito.

Dito na pinaputukan ng suspek ng tatlong bala ang biktima.

Kasong frustrated murder ang inihahandang kaso laban sa suspek. 

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with