^

Probinsiya

Ex-president Arroyo tatakbo muling kongresista

Ric Sapnu - Pilipino Star Ngayon

CITY OF SAN FERNANDO, Pampanga, Philippines — Tinanggap ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang nomi­nasyon ng  Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) na kandidatong kongresista sa  Second District  ng Pampanga itong dara­ting na 2022 polls.

Ayon kay Inte­grated Bar of the ­Philippines-Central Luzon Governor lawyer Paul Maglalang, na siyang kumatawan sa paghahain sa dating pangulo ng kandidatura noong Biyernes para umano matulungan ang mga Kapampangans at ang bansa sa kabuuan nito.

“Gusto niyang bumalik para makagawa muli ng mga batas na makakatulong sa bansa. She is healthy and in good condition but she just taking safety precautions that is why we represented her in the filing of the certificate of candidacy,” wika ni Maglalang.

Si Gng. Arroyo ay president-emeritus of Lakas-CMD, ang partido na nag-nominate sa kanya.

Si Gng. Arroyo ay naging kauna-unahang babaeng speaker of the House mula 2018 hanggang 2019 na pumalit kay dating speaker Pantaleon Alvarez.

Nanilbihan ito ng tatlong sunod na kongresista sa Se­cond District ng  Pampanga mula 2010 to 2013, 2013 to 2016, at 2016 to 2019. 

vuukle comment

LAKAS-CMD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with