^

Probinsiya

Drug suspect kumasa, sugatan; P1 milyong marijuana bricks nasamsam

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

TABUK CITY, Kalinga, Philippines — Matapos makipagbarilan sa mga awtoridad, nadakip din ang sugatang drug suspect sa bahagi ng Barangay Bulanao sa lungsod na ito kamakalawa.

Sa ulat sa tanggapan ng Kalinga Police Provincial Office (KPPO), nakilala ang nadakip na suspek na si Victor Guimba, residente ng Barangay Loccong sa bayan ng Tinglayan sa nabanggit na lalawigan.

Ayon sa report, unang nakatanggap ng tip ang mga awtoridad kaugnay sa isang kulay gray na Toyota Fortuner (VV 1195) na pinaghihinalaang may mga sakay na marijuana patungo sa Metro Manila.

Nang makumpirma ang sasakyan sa bahagi ng Sitio Bakras, Barangay Bulanao ay agad nila itong siniyasat at nakumpirma si Guimba na may standing warrant of arrest sa kasong paglabag sa RA 9165 o may kaugnayan sa iligal na droga.

Sinubukang arestuhin ng mga awtoridad ang akusado subalit bumunot umano ng baril at pinaputukan ang mga operatiba bago mabilis na pinasibat ang kanyang minamanehong sasakyan. 

Dito na nagkaroon ng habulan at palitan ng putok ng baril sa pagitan ng akusado at mga pulis hanggang sa sumadsad sa palayan ang sasakyan ni Guimba nang matamaan ng bala ang kanyang gulong.

Ang akusado na kabilang sa regional top 10 drug personality ay agad na dinala sa pagamutan matapos matamaan din ng bala ng mga pulis.

Narekober sa operasyon ang 10 piraso ng dried marijuana bricks na nagkakahalaga ng mahigit sa P1 milyon; isang yunit ng caliber 9mm smith at wesson na may apat (4) na bala; dalawang hand grenade; P13, 750 cash, cellphone, bag na naglalaman ng dokumento at ang sasakyan na ginamit.

vuukle comment

DRUG SUSPECT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with