^

Probinsiya

Madulas na ‘tulak’ at kasabwat nalambat

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Philippines — Nalambat na ng mga otoridad ang itinuturing na madulas na tulak at kanyang kasabwat makaraan ang isinagawang buy-bust operation sa Purok Little Baguio 1, Barangay Ibabang Dupay sa lungsod na ito, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni P Lt.Col.Romulo Albacea, chief of police dito ang mga nadakip na sina Rafael Sabinosa, alyas Raprap, 25, may live in partner ng nasabing Lugar at Fernando Baez, 40, residente ng Purok Happy Valley.

Ayon kay Albacea, si Raprap ang itinuturo ng mga dati ng nasakoteng tulak at user na source ng kanilang ilegal na droga. Makailang beses na rin umanong natatakasan nito ang mga inilalatag na anti-drug operation laban sa kanya subalit sa pagkakataong ito ay hindi na siya nakawala. Dakong alas-12:30 ng madaling araw nang masakote si Raprap at Baez ng joint operatives ng City Drug Enforcement Unit (CDEU) at 403rd PNP Maritime Group. Nakuha buhat sa kanilang pag-iingat ang hinihinalang shabu na 10.28 gramo na nagkakahalaga ng P209,712.00 at isang improvised caliber 22.

vuukle comment

PUSHER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with