2 kelot dedo sa pag-atake ng tandem
NORTH COTABATO, Philippines — Dalawa katao ang patay sa magkasunod na pag-atake ng riding-in-tandem suspect sa North Cotabato at Kidapawan City kamakalawa.
Sa bayan ng Antipas, dead-on-the-spot si Dario Pamplona, 39-anyos, skylab driver na residente ng Barangay Pontevedra sa nasabing bayan ng paslangin ng di pa nakilalang suspek.
Ayon kay Antipas Police chief Captain Jorlito Patrona, nagmamaneho ng kanyang motorsiklo papunta sa kabisera ng bayan buhat sa Brgy. Bangbang nang maganap ang pamamaril dakong alas-2:00 ng hapon.
Samantala, dead-on-the-spot din si Eric Delapieza ng Brgy. Manongol, Kidapawan City, Cotabato, matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Gana Subdivision, Brgy. Sudapin, Kidapawan City, alas-5:20 ng hapon.
Sa ulat, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo papasok sa lugar nang harangin ng mga suspect at pinagbabaril.
- Latest