^

Probinsiya

SUV vs trak: 2 utas, 7 sugatan

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
SUV vs trak: 2 utas, 7 sugatan
Ginagamot naman sa nabanggit na ospital ang mga biktimang sina Rolando De Antonio, 61, driver ng Innova (NBB-9719), nakababatang kapatid na si Rodolfo,60; Adrian Marcal; Danilo Dominic; Rochelle Stephanie Periabras, 4; at hindi pa nakikilalang lalaki at babae.

GUMACA, Quezon, Philippines — Dalawa ang patay at pitong iba pa ang malubhang nasugatan makaraang banggain ang sinasakyang Innova ng isang Elf sa intersection ng Barangay Bagong Buhay at Pipisik, kamakalawa.

Nagtamo ng grabeng kapinsalaan sa kanilang mga ulo at katawan at kapwa idineklarang dead-on-arri­val sa RAKK Hospital sina Romel Ramboyong at isang hindi pa nakikilalang lalaki.

Ginagamot naman sa nabanggit na ospital ang mga biktimang sina Rolando De Antonio, 61, driver ng Innova (NBB-9719), nakababatang kapatid na si Rodolfo,60; Adrian Marcal; Danilo Dominic; Rochelle Stephanie Periabras, 4; at hindi pa nakikilalang lalaki at babae.

Ayon sa ulat ng pulisya, bandang ala-1:30 ng mada­ling araw ay minamaneho ni Rolando ang Bicol bound at lulan ang walong iba pa, su­balit pagsapit sa intersection ay binangga sila sa gawing kaliwa ng Isuzu Elf na minamaneho ni Michael Landed, 28, ng Valenzuela City.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga ay makailang ulit na bumaligtad ang Innova.Nasa kustodya na ng pulisya ang driver ng Elf at nahaharap sa mga kaukulang kaso.

vuukle comment

AKSIDENTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with