^

Probinsiya

Chinese trader timbog sa rape sa empleyado ng misis

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines —  Kulungan ang bagsak ng isang negosyanteng Chinese national matapos ireklamo sa panggagahasa sa isang 19-anyos na dalaga na empleyado ng kanyang misis sa Sitio Pulloc, Barangay Roxas ng lalawigang ito, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Kinilala ni P/Pat. Ca­roline Dascil ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office ang nadakip na suspek na si Shi Zi Li, 35, at residente ng nasabing lugar.

Sa ulat ng Solano Police, unang tinawagan umano ng suspek ang biktima na itinago sa pangalang  “Wandang” at nakipagkasundo na magkita sa isang fastfood sa nasabing bayan nitong May 17.

Inalok din umano ng suspek ang biktima na sumakay sa kanyang sasakyan subalit may ipinaamoy umano ang Chinese sa biktima hanggang mahilo at tuluyang madala sa isang drive-inn hotel. Nagpamasahe pa umano ang suspek bago nito umpisahang gahasain.

Binantaan din ng suspek na huwag magsusumbong sa sinuman kasabay ng alok na P1,500 na sapilitang tinanggap umano ng biktima.

Sa kabila ng takot, nagpasya ang biktima na lumapit sa pulisya na nagresulta sa pagkakadakip ng suspek.

vuukle comment

KULUNGAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with