^

Probinsiya

Remulla nag-sorry sa maagang ‘pangangampanya’

Christina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines —  Humingi ng paumanhin ni Cavite Go­vernor Jonvic Remulla dahil sa mga pahayag nito sa social media kaugnay sa maagang pagtalakay sa eleksiyon sa gitna ng nararanasang pandemya.

Sa Twitter account ni Remulla, inamin nito na hindi pa napapanahon at nalagay sa hindi maganda na pag-usapan ang darating na eleksiyon sa panahon na ang mga Filipino ay nakikibaka sa pandemiya dulot ng COVID-19. “Ako po ay humihingi ng paumanhin tungkol sa huling post ko. Talking about the next election in the middle of the pandemic was both premature and in bad taste. I want all of you to know that I only have the sincerest intentions in mind and I am very sorry for the bad timing,” ayon sa kanyang post.

Sa kanyang unang post sa FB, sinabi ni Remulla ang kanyang planong pagtakbo bilang gobernador sa lalawigan ng Cavite.

Binanggit din nito na magiging maingay muli ang social media ukol sa mga kandidato na nagnanais tumakbo sa iba’t ibang posisyon at titindi rin ang awayan, maraming siraan, bardagulan at walang tigil na pakapalan ng mukha at pagbuhat sa sariling bangko.

Pero imbes na umani ng maraming paghanga at suporta, dinagsa ng maraming bashers ang sarili nitong account.

vuukle comment

JONVIC REMULLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with