^

Probinsiya

Rider sumemplang, buking sa P4.3 milyong marijuana

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

SANTIAGO CITY, Isabela , Philippines — Sa kagustuhan ng mga kagawad ng pulisya na saklolohan ang isang motorista matapos sumemplang sa gilid ng kalsada ay hindi inaasahan na masasabat nila ang tinatayang P4.3 milyon na halaga ng 35 piraso ng marijuana bricks mula sa naaksidenteng rider sa Tabuk City, Kalinga, kamakalawa.

Ayon sa Tabuk City Police, kasalukuyan na binabagtas ng mga kagawad ng nasabing himpilan, sa pangunguna ni P/Lt. Ruben Balanoy, ang nasasakupan ng Sitio Banat, Barangay Bagumbayan nang mag-overtake sa kanilang patrol car ang isang kulay dilaw na motorsiklo na walang plaka lulan ang isang binatilyo.

Matapos umanong mag-overtake ay agad nasumemplang sa gilid ng kalsada ang rider kung kaya’t agad hinintuan ng mga pulis para tulungan ang rider. Subalit sa hindi inaasahan, napansin ng mga operatiba ang ilang mga kaduda-dudang na­kabalot na dala ng driver na kalaunan ay nakumpirma na puro mga marijuana bricks.

vuukle comment

TABUK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with