^

Probinsiya

Resort ni Sandra Cam pinaulanan ng bala

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

BATUAN, Masbate, Philippines — Kapwa nasugatan ang isang 14-anyos na dalagita at isang 9-anyos na batang lalaki makaraang paulanan ng bala ng apat na suspect na sakay ng dalawang motorsiklo ang resort na pag-aari ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Board of Director Sandra Cam, kamakalawa ng gabi.

Isinugod sa Masbate Doctors Hospital ang dalawang biktima na ang dalagita ay tinamaan ng bala sa paa habang ang batang lalaki na  anak ng caretaker ng resort ay nagtamo  ng isang tama ng bala sa tiyan.

Sa report ng Police Regional Office (PRO) V, naganap ang insidente dakong alas- 7:47 ng gabi sa Zandra’s Beach Resort na matatagpuan sa Brgy. Canvanes sa nasabing bayan.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naglalaro ng basketball ang mga biktima sa loob ng compound ng resort nang dumating ang dalawang motorsiklo lulan ang apat na suspect.

Dito’y nasaksihan ng mga testigo na kapwa armado ng hindi pa natukoy na kalibre ng baril ang dalawang backriders.

Ayon sa pulisya,pagtapat sa bukas na gate ng resort ay agad pinaulanan ng bala ng mga suspect ang loob nito kung saan tinamaan ang dalawang bata na naglalaro ng basketball.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspek habang agad namang isinugod sa pagamutan ang mga biktima para malapatan ng lunas.

Patuloy naman ang masusing imbestigasyon ng mga awtoridad sa kasong ito upang mabatid ang motibo ng pamamaril sa resort ni Cam at maaresto ang mga suspect.

vuukle comment

SANDRA CAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with