^

Probinsiya

Sekyu itinumba ng berdugo

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
Sekyu itinumba ng berdugo
Kinilala ni P/Major Baltazar Corpuz, hepe ng pulisya rito, ang napatay na biktima na si Domingo Pelembergo, 44, ng Purok 5, Barangay Niyugan, Jaen.
STAR/File

JAEN, Nueva Ecija, Philippines — Patay ang isang security guard matapos barilin ng nakaabang na berdugo habang pauwi lulan ng motorsiklo at angkas ang kanyang mag-ina sa Brgy.  Sapang ng ba­yang ito, noong Lunes ng gabi.

Kinilala ni P/Major Baltazar Corpuz, hepe ng pulisya rito, ang napatay na biktima na si Domingo Pelembergo, 44, ng Purok 5, Barangay Niyugan, Jaen.

Sa ulat, alas-7:30 ng gabi, galing umano sa duty at pauwi na ng bahay ang biktima sakay ng kanyang motorsiklo at angkas ang kanyang misis na si Rossana, 41, at bunsong anak na 12-an­yos na babae nang ma­ganap ang pananambang.

Ayon sa ginang, bigla­ na lamang sumulpot sa kanilang likuran ang hindi pa nakikilalang gunman na sakay ng hindi pa tukoy na sasakyan at nirapido ang kanyang asawa sa pag­kabigla nilang mag-ina. Bagama’t may tama na sa katawan ay nagawa pa umanong igi­lid at alalayan ng biktima ang angkas nitong mag-ina bago malagutan ng hininga.

Tumakas ang suspek matapos ang pag­­patay sa biktima.

vuukle comment

SEKYU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with