^

Probinsiya

Brodkaster itinumba sa Pangasinan

Doris Franche, Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Brodkaster itinumba sa Pangasinan
Virgilio “Vir” Maganes
STAR/File

MANILA, Philippines — Isang radio broadcaster na nakaligtas sa tangkang pagpatay, may apat na taon na ang nakalilipas, ang natu­luyan matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins malapit sa kanyang bahay sa Brgy. San Blas, Villasis, Pangasinan kahapon.

Kinilala ni Major Chris­tian Alucod, hepe ng Villasis Police Station ang napatay na si Virgilio “Vir” Maganes na isa ring manunulat ng The Northern Watch, isang lokal na pahayagan sa lalawigan.

Sinasabing bibili lang ng pandesal para sa uma­gahan si Maganes nang tambangan ng mga hinihinalang berdugo dakong alas-6:30 ng umaga.

Siniguro ng gunman na patay na si Maganes matapos barilin sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan saka mabilis na tumakas.

Nabatid na unang nakaligtas si Maganes sa tangkang pagpatay noong Nob 8, 2016 nang barilin siya ng mga ‘di kilalang suspek habang sakay ng traysikel ang una patungo sa kanyang programa sa radyo sa Dagupan City. Nilagyan pa umano siya dati ng karatula na “drug pusher huwag pamarisan”.

Dalawang drug personalities na pawang at large ang tinukoy at kinasuhan ng awtoridad sa unang pagtatangka sa buhay ni Maganes.

Kinondena naman nina Presidential Task Force on Media Secu­rity (PTFoMS) Execu­tive Director Usec. Joel Sy Egco at Presidential Communications Ope­rations Office (PCOO) Secretary at PTFoMS Co-Chair Martin­ Andanar ang pagpatay sa nasabing mamamahayag.

Si Maganes ay na­itala na ika-18 na media­man na napatay sa pana­hon ni Duterte.

vuukle comment

BRODKASTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with