^

Probinsiya

2 bata patay sa ikinabit na live wire sa palaisdaan

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

Pain para sa magnanakaw, anak ang nadale

LEGAZPI CITY,  Albay, Philippines — Kapwa nasawi ang dalawang paslit kabilang ang anak ng isang nagmamay-ari ng palaisdaan matapos na makuryente sa “live wire” na ikinabit sa bakod ng huli bilang pain sana niya para sa mga magnanakaw ng isda sa Purok-6, Sitio Mati, Brgy. Canaway, Malilipot, dito sa lalawigan nitong Martes ng umaga.

Parehong idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang mga biktima na kinilalang sina Jairus Kurt Brosa, 3-an­yos at kalarong si Danica Marie­ Ganiso, 10-anyos, pawang residente ng nasabing barangay.

Sa ulat, madaling araw ay gumawa ng bakod na nilagyan ng wire na ikinabit sa kable ng kuryente si Josue Brosa sa layuning protektahan ang kanyang palaisdaan sa likurang bahagi ng kanilang bahay laban sa mga magnanakaw ng isda. Gayunman matapos ang ginagawa ay umalis siya at nalimutang tanggalin ang nakasaksak na kuryente.

Dakong alas-6 naman­ ng umaga, nagpunta ang anak ni Brosa na si Jairus Kurt at kalarong si Danica Marie sa pala­isdaan para pakainin ang mga isda. Pero nang tinatawag na ng kanilang nanay ang mga bata ay walang sumasagot kaya pinuntahan na niya sa fishpond at laking gulat nito nang makita ang anak at kalarong bata na parehong wala nang malay at nakahandusay sa isang hukay makaraang mahulog dito nang  makuryente.

Agad na isinugod ang dalawang bata sa Ziga Memorial District Hos­pital sa Tabaco City pero kapwa sila idineklarang patay habang laking pag­sisisi naman ng nasabing ama sa pagka­kabit nito ng kuryente sa kanyang fishpond.

vuukle comment

LIVE WIRE

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with