^

Probinsiya

Truck swak sa bangin: 4 pulis patay, 31 sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

ILOILO CITY, Philippines — Apat na miyembro ng elite units ng pulisya ang iniulat na nasawi habang 31 pa ang nasugatan makaraang aksidenteng mahulog sa matarik na bangin ang sinasakyan nilang truck sa  Brgy. Ginomoy, Alimodian, Iloilo nitong Sabado ng hapon.

 Sa sketchy report ng tanggapan ni Police Regional Office (PRO) 6 Director Police Brig. Gen. Rene Pamuspusan, dakong ala-1 ng hapon nang mangyari ang trahedya.

Sa imbestigasyon, kasalukuyang bumabagtas sa bulubunduking bahagi ng highway sa naturang lugar ang isang truck na sinasakyan ng 35 operating troops ng 601st Company ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB)-6 patungo sa kanilang himpilan nang mawalan umano ng kontrol sa manibela ang driver bunsod upang tuluy-tuloy itong mahulog sa malalim na bangin sa gilid ng highway.

 Ayon naman kay P/Major Joem Malong, spokesperson ng PRO 6, apat sa mga biktimang pulis ay dead-on-arrival sa pagamutan. Gayunman, hindi muna nito tinukoy ang pagkakakilanlan ng mga nasawi dahil kaila­ngan pang impormahan ang kani-kanilang mga pamilya.

Ang 31 na sugatan ay nilalapatan naman ng lunas sa Mission Hospital sa Iloilo City at Alyusan Hospital, Alimodian, Iloilo.

vuukle comment

POLICE REGIONAL OFFICE

RENE PAMUSPUSAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with