^

Probinsiya

1,142 Valley cops na-promote

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
1,142 Valley cops na-promote
Ayon kay P/Col. Chevalier Iringan, Regional Police Information Officer ng Police Regional Office-2 (PRO2), ang 1,142 na na-promote ay kabilang sa libu-libong mga pulis sa buong Region 2 na sumailalim sa mahigpit at masugid na evaluation ng kanilang trabaho, interviews at eksaminasyon na isinagawa ng Police Regional Office -02 (PRO2) promotion board.
Michael Varcas/File

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines– Umabot sa kabuuang 1,142 na pulis sa Cagayan Valley na kinabibilangan ng 31 commissioned police officers ang tumaas ang ranggo matapos ibaba ng PNP ang kanilang promosyon, ayon sa ulat kahapon. 

Ayon kay P/Col. Chevalier Iringan, Regional Police Information Officer ng Police Regional Office-2 (PRO2), ang 1,142 na na-promote ay kabilang sa libu-libong mga pulis sa buong Region 2 na sumailalim sa mahigpit at masugid na evaluation ng kanilang trabaho, interviews at eksaminasyon na isinagawa ng Police Regional Office -02 (PRO2) promotion board.

Kabilang sa nakakuha ng promotion ay isang Police Lieutenant Colonel; walong Majors; apat na Captains; 18 Lieutenants; 281 Executive Master Sergeants; 152 Chief Master Sergeants; 270 Senior Master Sergeants; 300 Master Sergeants; 97 Staff Sergeants at 11 Corporals.

Pinaalalahanan naman ni P/Brigadier General Angelito Casimiro, PRO2 regional director, ang mga opisyal na kasabay ng kanilang pagtanggap sa promotion ay kaakibat nito ang mas mabigat na responsibilidad.

Hinamon din ni Casimiro ang mga bagong promote na opisyal na ipakita na karapat-dapat sila sa kanilang natanggap na ranggo sa pamamagitan ng pagsunod ng buong puso sa kanilang misyon na protektahan at pagsilbihan ang mamamayang Pilipino. 

vuukle comment

CHEVALIER IRINGAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with