^

Probinsiya

2 ISIS manggugulo sa SEA Games, timbog

Joy Cantos, Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
2 ISIS manggugulo sa SEA Games, timbog
Sa ulat ni Calabarzon Police Director Brig Gen. Vicente Danao Jr., naaresto nitong Biyernes ng hapon ang hinihinalang terorista na si Saidie Saro, isang negos­yante, tubong Matungo, Lanao del Sur na nakumpiskahan ng itim na bandila ng ISIS sa raid sa Tayabas City.
File

MANILA, Philippines — Dalawang pinaghihinalaang miyembro ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) na nagpaplano umanong maghasik ng karahasan sa nalalapit na ika-30 Southeast Asian (SEA) Games ang nasakote ng mga operatiba ng Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) Police at nasamsaman ng iba’t ibang uri ng armas, bomba at kagamitan sa magkahiwalay na pagsa­lakay sa lalawigan ng Quezon at Laguna kamakalawa.

Ito’y tatlong linggo bago ganapin ang SEA Games  sa bansa na aarangkada na sa huling linggo ng buwang kasalukuyan.

Sa ulat ni Calabarzon Police Director Brig Gen. Vicente Danao Jr., naaresto nitong Biyernes ng hapon ang hinihinalang terorista na si Saidie Saro, isang negos­yante, tubong Matungo, Lanao del Sur na nakumpiskahan ng itim na bandila ng ISIS sa raid sa Tayabas City. Siya ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte sa inuupahan nitong tindahan sa Tayabas City. Nakumpiska sa kanya ang isang hand grenade, improvised explosive device (IED), pipe bomb at mga bala.

Sa kabila nito, mariing itinanggi ni Saro na miyembro siya ng international terrorist group na ISIS.

Ayon sa Explosive Ordinance Division ng PNP, posibleng magdulot ng malaking pinsala kung sumabog ang nakuhang pipe bomb kung saan cellphone ang detonator ng nakuhang IED. 

Nabatid na may mga intelligence reports na planong manggulo ang grupo ni Saro sa nalalapit na SEA Games ngayong Nobyembre. 

Samantala, alas-2:30 ng hapon kamakalawa nang malambat ang isa pang hinihinalang ISIS terrorist sa isinagawang pagsalakay sa Corsini Compound, Brgy. Real, Calamba City.

Ayon kay Laguna Provincial Police Office Director P/Colonel Eleazar Matta, nakumpiska mula sa suspek na si Bobby Sarip, miyembro umano ng Daulah Islamiyah Lanao/Maute group ang isang kulay itim na backpack, dalawang MK2 fragmentation hand grenade, 8 bala, isang canister at isang kulay itim na pitaka.

Nakuha rin sa lugar ang isang kulay itim na bandila ng ISIS. Ang nasabing terror group ay mga sub-groups o galamay ng ISIS sa Pilipinas.

Si Sarip ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Executive Judge Cynthia Marino-Ricabalance ng RTC sa Sta Cruz, Laguna.

Nahaharap sa kasong pag­labag sa RA 9516 o Illegal Possession of Explosive at RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Act) ang nasakoteng dalawang umano’y terorista.

vuukle comment

ISIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with