^

Probinsiya

Suicide bomber gutay sa dalang bomba!

Joy Cantos, Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Suicide bomber gutay sa dalang bomba!
Ang ulo ng suicide bomber matapos na magutay nang sumabog ang nakakabit na bomba sa kanyang katawan sa Sulu kahapon.
Westmincom

MANILA, Philippines — Isang babaeng “suicide bomber” na pinaniniwalaang dayuhan ang nagkagutay-gutay ang katawan matapos na pasabugin ang sarili nang tangkain nitong pasukin ang isang military detachment sa Brgy. Ka­jatian, Indanan, Sulu kamakalawa.

Wala pang pagkaka­kilanlan ang suspek na maputi at matangos ang ilong na tila isang Caucasian base sa narekober na ulo na napahiwalay sa gutay na katawan nito na narekober sa lugar pero ang kamay naman ay hugis lalaki.

Ito’y matapos na tuku­yin ni AFP-Western Min­danao Command (AFP-Westmincom) Comman­der Lt. Gen. Cirilito Sobejana na isang babaeng suicide bomber ang na­sawi mismo sa dala nitong improvised explosive device (IED) na nakakabit sa kanyang katawan.

Sa imbestigasyon, isang “pipe bomb” ang ginamit ng suicide bom­ber sa pagpapasabog sa labas ng detachment ng 35th Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army sa nasabing lugar.

Ang nasabing suicide bomber ay nakasuot ng kulay itim na Abaya, ang karaniwang damit ng mga kapatid na Muslim, nang tangkain umano nitong pasukin ang nasa­bing detachment at pa­sabugin pero naharang ng mga sundalo hanggang sa pasabugin nito ang sarili.

Ayon kay PNP Spokes­man Brig. Gen. Bernard Banac, kumilos na ang mga operatiba ng PNP-Crime Laboratory sa pagkuha ng mga specimen ng nagutay na katawan ng nasabing suicide bomber upang mabatid ang nationality nito sa pamamagitan ng pagsasailalim dito sa DNA test. Kabilang sa mga natagpuang bahagi ng katawan ng suicide bom­ber ay ang putol na kamay na may balahibo, pugot na ulo at nagkagutay-gutay na kalamnan.

Ayon naman kay So­bejana, hindi nila inaalis ang posibilidad na isang Egyptian ang nasawing babaeng suicide bom­ber.

Magugunita na pitong dayuhang terorista ang namonitor na nagkakanlong sa kuta ng mga ektremista sa bahagi ng Western Mindanao partikular na sa Sulu.

vuukle comment

SUICIDE BOMBER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with