^

Probinsiya

P80 milyong droga nasabat sa speedboat

Gary Bernardo - Pilipino Star Ngayon
P80 milyong droga nasabat sa speedboat
Ang nasabat na 10 kilong shabu ng Zambales Police at PNP Maritime Unit sa isang abandonadong speedboat sa pampang kahapon ng umaga sa Zam-bales.
Gary Bernardo

MANILA, Philippines — Narekober ng pulisya at PNP Maritime Unit ang tinata­yang nasa 10 kilong hinihinalang shabu sa Barangay Locloc Palauig, Zambales kahapon ng umaga. Sa ulat mula sa tanggapan ni Zambales Police Provincial Director P/Col. Rogelio Ponce Pinones, isang mangingisda ang nag-report na may isang speedboat ang inabandona sa nasabing lugar, kaya’t agad na rumesponde ang mga awtoridad.

Nang ito ay siyasatin, nakita sa loob ng bangka ang limang plastic na naglalaman ng shabu na aabot sa P80 milyong halaga sa street value.

Patuloy pa rin ang isinasagawang malalimang imbestigasyon ng pulisya kung sino ang may-ari at lulan ng nasabing speedboat.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with